DAYEdalera

Saturday, September 16, 2006

MGA PANGYAYARING DAPAT ISULAT...

7 araw na ang nakalipas mula ng sabihin ni Clark na mahal nya si Luisa. Pagmamahal na hindi kayang suklian ni Louie dahil naibigay na nya sa iba.Sad di ba?

6 na araw na mula nung nagkitakita kme ng mga hayskul tropa ko sa birthday ng una naming “noisemakers baby” na si Owie. Di ko akalain na tumatanda na talaga ako kc after ng kasal ni yeye children’s party na kami ulit nagkitakita. Syempre papaawat ba ng tropa ko na matapos ang lahat ng alas-singko ng hapon? Aba hindi! Kaya naman nag-inuman sabay pagpapakabusog sa Dampa ang inatupag namin. Nagaya pa kami ng KALIPI tropa para samahan kame sa kuwentuhang tila wala yatang katapusan. Tumawag pa si Gil at nakichismis sa mga pangyayari. Naisip ko bigla, ang tagal na ngang nilamon ng law skul, trabaho at pagtuturo ang oras ko. Halos isang taon na kasi simula nung huli kaming magkita-kita ng tropa kong walang kapantay talaga.

5 araw mula nung pumasok ako ng 40 mins early para harapin ang filing ng katakot-takot na papeles sa Opisina ng Pangkalahatang Tagapagtanggol (Office of the Solicitor General) mula kasi ng lumipat kame ay hindi ko ito maharap. Ano pa nga ba at di ko rin natapos dahil pagpatak ng alas-9, trabahong di dapat ipagpaliban na ang dapat kong harapin.

4 araw
mula ng malaman ko and schedule ko sa REVALIDA. At eto nga ang kinatatakutan ko dapat na naman akong magpakalunod sa kape para makapag-aral ng husto. Kaarawan din pala ng aking AMA, si Conrado. Nakakalungkot nga lang kc maliban sa text na pagbati ko wala akong panahon para makauwi sa Bulacan.

3 araw mula ng magsimula akong harapin at balikan ang mga librong pinabayaan ko dahil di naman nagpaparecite si Judge Cornejo.

2 araw simula nung matapos naming sa Legal Ethics ang Code of Judicial Conduct at sa Sabado nga ay magrerecite na daw kame ng sangkaterbang kaso.

1 araw
mula ng bulungan ako ni SolGen ng sikreto. Akala ko naman ay napakahirap na trabaho, magpapadownload lang pala sya ng kaso sa internet na Agan vs PIATCO at Republic vs Gingoyon para sa DZMM interview nya with VP Noli de Castro. Nagsimula din pala ako maggawa ng blog sa blogger at nangabala kay Nysa para magturo sa akin.

At ngayon, natapos na naman ang isang linggo na di pa ako nakakausad sa bugso ng isang masaklap na pangyayari na gusto ko mang sabihin ay hindi pa pwede.
posted by daye at 6:52:00 PM

1 Comments:

hi daye! tulungan sana kita dito sa blogspot kaso hindi ko na nga rin pinapansin blog ko eh. :D

11:51 AM  

Post a Comment

<< Home