DAYEdalera
Sunday, March 18, 2007
pebrero at marso
1. REVALIDA - ito na yata ang pinakatoxic na experience sa law school. Yun bang kahit aral na aral ka, ipapanalangin mo pa din na sana makabunot ka ng madaling tanong or mahirap man yung kaya mo sagutin, minsan ang panalangin ko nga kahit na hindi ako makasagot, wag lang ako masabihang "stupid!", "bobo!", "di ka kc nakikinig!" at sunod-sunod na "NO!NO!NO!NO!". Isang linggo ko ring tiniis na magpuyat ulit at magpakalunod sa kape na pakiramdam ko wala namang epekto. Nung gabi nga na nagaral ako ng tax review para sa revalida, tinalikuran ko ang linggo-linggong panonood ng "d buzz" kahit na nung sunday na yun magsasalita si kris aquino tungkol sa james-hope illicit affair. nung gabi ding yun na natataranta ako magmemorize ng mga codes ni japs na talaga namang dapat imemorize, binabad ko ang paa ko sa malamig na palanggana ng tubig (gaya ng ginagawa ni Isagani (nga ba?) sa El Filibusterismo) para labanan ang antok na talaga namang hinahamon ang pasensya ko. So far, ayos naman ang revalida ko sa lahat. Palagay ko naman ay nasiyahan ang mga terror kong guro sa mga sinagot ko. Sapat na yung minimal na follow-up at walang sigawang nangyari para magconclude ako na ok nga ang oral exam ko.
2. Gil's homecoming. Eto naman ang pasaway kong bf na dumadating dito sa Pilipinas para manggambala sa panahon ng exams. Sapat na rin naman na pagdating nya, nagkakaroon ako ng driver at tagalibre ng dinner. Isa pa, masarap din yung feeling na nandiyan sa tabi mo yung nagiisang tao bukod sa tatay at nanay ko na naniniwala sa kakayahan ko. Yung pag depress ako sa result ng exams bibilhan ako ng ice cream at flowers.
3. Final exams. Masamang ipagpaliban ang exam para sa trabaho pero ginawa ko pa din. Hiyang-hiya na kasi ako kay Justice Nachura at Asec. Malaya na isang linggo ako nagleave para sa revalida.Working on the presumption na kaya ko na magreview sa gabi before the exam dahil naaral ko na yun sa revalida, sumige ako.walang leave sa SC maliban sa oras na itinakda para sa pagsusulit. Ayun, sa sobrang workaholic ko, mali pala ang sked na nakopya ko sa board, yung inaakala kong exam ng martes, lunes pala. Muntikan pa akong di makakuha ng pagsusulit kundi pa nagtext si Bram na sa Reading Area ang exam sa CivRev. Menos dies minuto bago magalas-singko nasa Padre Faura pa ako at ayon kay Julan 5pm daw ang exam. Ayun, nagsuhol ako ng 300 pesos sa taxi driver para paliparin ang taxi nya at makaabot ako sa ust ng 5pm. Walang aral-aral. Bahala na. Basta makapag-exam kung ano na lang ang maalala ko yun na yun. Yun na yatang 4:50 - 7:00 PM ng March 5 ang pinakamabilis na dalawang oras ng buhay ko. Salamat na lang sa mga kaibigang may concern na nagsabi sa akin na nung araw na yun pala ang exam namin. Salamat din sa pagkakataong magkakulay kami ng suot ni dean aligada at hindi siya nagalit na hindi ako nakauniform. Ang tax at crim exam ko naman ay ewan ko din kung paano ko nasagutan. pagkatapos ng mga pagsusulit naiisip ko sana nagleave na lang ako kahit na sobrang kakapalan na yun ng mukha.
4. Retreat sa Caleruega. Bago ako nakapunta sa retreat, ang unang problema ko ay kung paano magleave ng lunes at martes, paano naman yun ang araw na tambak ang trabaho ng boss ko at syempre damay kme dun. pero hindi ako nagpapagil, sumama ako sa retreat. bahala na kung mapagalitan. napagdesisyunan ko na di ko maaaring palampasin ang retreat na tun. masaya, malungkot, nakakatakot. Masaya kasi nakasama ko sa unang pagkakataon ang 4C sa gmik. Malungkot kasi sa retreat na yun ko din inamin na kailangan ko ng kalimutan ang ilang mga bagay at tao sa law skul. Nakakatakot kc minulto kame sa hanging bridge ng caleruega at ako pa talaga ang kumuha ng litrato, akalain mo, may sumamang ibang kung ewan..creepy.
5. Deliberations. Tatlong araw akong hindi nakatulog. Sa gabi paandap-andap ang tulog at paggising ko. Paano naman, di ko alam kung matapos lahat ng pinagdaanan ko ay ga-graduate ba ako? Marami daw factors and considerations sa deliberations merong mga secret formula na minsan ay nabuko na ng mga estudyante. Una, pag isa lang ang bagsak, pwede na. Pangalawa, kung regular ka since first year, pwede na rin. Pangatlo, kung kilala ka daw sa office. Mahirap ipagkatiwala sa mga formula na ito ang destiny mo kung makakasama ka ba sa batch 2007 dahil ang totoo hanggat hindi lumalabas ang resulta ng deliberations daig mo pa ang nasa death row.
6. Graduation. Salamat sa Diyos. Nakasama ako sa 121 graduates ng UST Faculty of Civil Law. Nakakalungkot naman at meron kaming 15 na di makakasama mula sa 136 candidates for graduation. Sobrang saya ipamalita na sa loob ng mahabang pamamalagi ko sa UST Law ay tapos na din ako at makakatanggap ng diploma para sa L.L.B.
7. Bar Exam. Marahil ito na siguro ang paggugugulan ko ng panahon sa susunod na anim na buwan. Di ko alam kung kaya ko bang balikan lahat ng pinag-aralan ko sa law skul, pero wala naman akong choice, DAPAT. Kung hindi para akong sundalong walang sandata na ipapakain sa Setyembre sa pinakamahirap na pagsusulit sa Pilipinas. Nakakapressure pa na ang dalawa kong kapatid ay full-pledged doctors na. Bar exam...ito daw ang sumusukat sa kakayanan ng mga nagiging Pangulo ng Pilipinas sabi ng lolo ko dati pero ngayon naisip ko hindi na ganoon ang pamantayan. Mas madali yata maging Presidente pag sikat na artista ka eh. Hehehe.
mukhang nalibang ako sa pagsusulat. dapat yatang pigilan ko muna ang pagsasalaysay, pasensya na kayo at dalawang huwan kong pinigil ang paglalabas ng sentimyento.
nakakamiss.
1 Comments:
daye! sa wakas, haha! ang haba ng post, pero aliw. nawalan na ata ako ng powers magsulat nang mahaba dahil sobrang na-drain na ako, so medyo dinadaan ko na lang sa picture posts, hehe! see ya sa 2, sana tabi tayo, as ever! :D
Post a Comment
<< Home