DAYEdalera

Friday, February 09, 2007

lipat-bahay

oo nga. ngayon ang huling araw ko sa tanggapan ng taga-usig panglahat (Office of the Solicitor General), 2 gabi na rin akong di nakapasok sa skul para matapos ang mga trabahong di dapat mabinbin pag-alis ko. nakakalungkot na sa huling pagkakataon ngayon masisilayan ko ang gabi sa makati, sana singliwanag ng mga ilaw ngayong gabi ang hinaharap ko sa padre faura..

10 buwan ng paglalakbay mula sta.mesa 'gang makati
993 dokumentong dumaan sa mga kamay ko para bigyang aksyon ng tanggapan.
743 papeles na pinirmahan ni justice nachura.
161 pages ng logbook na nagamit para sa pagmomonitor ng mga "for correction" na pleading.
188 letters na ginawa ko para kay solgen.
405 files na laman ng "osgfolder" sa daye/my documents
432 resibong ni-review at ginawan ng financial report
_______________________________________
kabuuan ng trabahong sana'y nagawa ko ng maayos.

nakakalungkot. iiwan ko na ang mga bagong kaibigan ko, mga kagmik at kasabwat sa kalokohan.

nakakalungkot. panibagong trabaho ang dapat pag-aralan.

nakakalungkot. di ko na makikita ang crush ko sa opisina.

nakakalungkot. nakakalungkot. nakakalungkot.
posted by daye at 6:03:00 PM

1 Comments:

promote! promote! promote!

kung cno man jan anga may kailangan sa isang Grafx Artist…

kailangan ng anything about Grafx Designs…

may bayad o wala… jz cnd a msg sa fwendster ko ha!!! tnx…

— pagpapalawak ng kaalaman @ pagpapakilala na din! —

= end =

1:16 AM  

Post a Comment

<< Home