DAYEdalera
Saturday, December 29, 2007
Lost thoughts...
Though, I know its quite pathetic to post an incomplete write up, I still give those the opportunity to be read..Perhaps, you can fill the lost lines or read what I felt in between the lines.. Sentimental me!
Reflections on Christmas
draft 12/21/06 by daye
I am very fortunate to have an idle time today. It's a nice feeling staying at the office without the fear of being tardy in dean aligada's class or fright of recitations in school. It's my first day without school today, no studying, no teaching.
It's Christmas and that is one benefit I derive from the holiday season.For the last five days, I have been attending several Christmas parties, and I even failed to attend to some. The OSG Secretariat Christmas Party was the most enjoyable so far. It's nice playing around like kids with your boss/es. I never thought I can let SolGen Nachura peep into my "drinking" capacity when I won the "which is which" game, a game designed to challenge everyone to name 5 brands of beer by tasting. The Liberal Party HQ-Sta. Mesa also had their own party and it was my first time not being able to join the program though I am happy that I came there to show up. My barkada gift-giving .....(lost)
pagluluto at pag-aaral.
draft 2/2/07 by daye
isa sa mga pinakamasarap na ginagawa ko para magtanggal ng pagod ang magluto..Luto nga ba yun o experiment? Di ko alam, di naman ako mahilig magbasa ng cookbook pero nakakaimpress din na kapag nakatikim ako ng pagkain, minsan alam ko na kung ano ang ingredients..gagayahin na lang at iimprove tapos bubudburan ng pagmamahal. Yung paglalagay ng pagmamahal pamana ng nanay ko, sabi nya kaya lahat ng tao ipinagmamalaki ang luto ng nanay nila na pinakamasarap dahil nalalasap din nila ang kaakibat na pagmamahal na binudbod ng nanay nila sa pagluluto.. sa mga kagamitang pangkusina ang pressure cooker ang pinakabilib ako, akalain mo ang mga karneng dapat pakuluan ng 1 hanggang 2 oras, pag sa pressure cooker 10-15 minutes lang, dahil daw yun sa init na naiipon at kulob kaya mas madaling lumambot ang karne..akala ko sa pagluluto lang may pressure cooker, pati pala sa pag-aaral.
Kagabi, masaya akong pumasok sa klase, ilan kasing magagandang balita ang dumating sa akin simula nung lunes pa. parang nakipagsabwatan na naman ang mga bituin sa langit at inayos ang aking mga problema at agam-agam. Yung kasayahan ko bigla naglaho ng makita ang nakasulat sa board.
COUNTDOWN:20 days before RevalidaClass Hours Left : Tax - 8 hours, Civ- 15 hours, Crim- 15 hours, Poli - 12 hours,Merc -15 hours.
Ipinagkibit-balikat ko yun, mas kabado ko sa klase ni Justice J.D., may mga nagsabi na corporate income tax na kame, samantalang ang nabasa ko ay item 2-6 pa lang ng Gross Income (Sec. 32-NIRC) for Individual Taxpayers. Suicide yata na ituloy ko ang pagpasok, naiwan na kc ako ng milya-milya kung corporate income na nga ang ipaparecite nya. Pinagwalangbahala ko ulit yun kahit alam ko na 2 na lang ang hindi pa ngrerecite, at second round na ng recit. Pagpapatiwakal talaga yun pag natawag ako. Pero kampante ako, bago kasi ako pumasok may bisita si boss na Franciscan sister bago kami naghiwalay sabi nya "God bless!", sigurado ako di ako matatawag. At gaya ng inaasahan parang immune ako sa recit dahil ang layo pa ng pangalan ko sa linya ng classcards na ni-reshuffle ng teacher ko.
Papauwi na ako nung makilala ko ang mga dominican sisters at natapos ang skul hours ko sa mga salitang iniwan din nila. "God bless you."
Masaya akong dumating sa bahay, pero ewan ko ba, habang naghahanda ako ng mga aaralin parang multo na nagparamdam yung "countdown" sa utak ko. At ang isip ko ay biglang naging pressure cooker na unti-unting kumulo at anumang oras ay pwedeng sumabog.Para mawala ang tensyon, nagtxt ako para sulitin ang unlimitxt ko sa globe na simula bukas ay 80 pesos na daw.
TEXT: "Waah! may countdown sa board, 20 days b4 revalida,class hours left.Parang gusto ko na mag-suicide." -daye
Pumipitik ang mga ugat ko sa utak,ramdam na ramdam ko. Wala pa si chel, wala ako makausap.
beep. (may isang nagreply)
glad: (namomroblema din gaya ko) may nakapost? saan? (at nagsimula kame magsinteimyento sa mga revalida subjects na malapit na nga.)
beep. ( reply ulit.)
andrea: daye, oklang yan ... (lost)
Dreams and Nightmares
draft 4/15/07 by daye
I am a dreamer. (lost)
LIFE (or something like it..)
draft 5/14/07 by daye
(I intend to write this blog entry in Filipino but I may be charged of electioneering for a party list group so I did it in English)
I am so happy to hear that two (2) of my former housemates are going to be parents soon.Ms. D is four months pregnant. K'T is going to be a dad in 8 mos. On the same day that I learned of th (lost...)
1st Sunday
draft 9/4/07 by daye
Should I say I am not worried the night before the first sunday? (lost...)
Seven Years and a "Special Kind of Something"
draft 10/30/07 by daye
Res Ipsa Loquitur... (the thing speaks for itself...)
I just thought that the DAYEdalera won't be complete with any story left untold.
Labels: lost thoughts
0 Comments:
Post a Comment
<< Home