DAYEdalera

Tuesday, June 08, 2010

Atty. Love's unsolicited advice to Kuya Rob

ROB RAMOS:

Ang hirap kasi iwan ang taong mahal mo. Kahit masakit na. Kahit minsan parang walang saysay na ginagawa mo, o wala siyang paki kung ano man nangyayari sayo.

Para kasing tinatraydor mo di lang siya, pero pati na rin pagmamahal mo sa kanya.

ATTY. LOVE:

"hmmm..sa pagmamahal kasi dapat dalawang tao ang involve, sa palagay ko pag nagpatuloy ka kahit nasasaktan ka na, lalo at alam mong hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal na inialay mo, hindi ang pagmamahal mo sa kanya ang tinatraydor mo...SARILI mo.

Nawalan ka kasi hindi ka niya minahal pero makakakita ka pa ng ibang mamahalin PERO mas nawalan siya kasi hindi ka niya minahal, gayong hindi na siya makakakita ng taong magmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal mo... (idea lifted from Berso sa Metro, LRT2) hehehe"
posted by daye at 3:53:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home