DAYEdalera

Wednesday, February 06, 2008

Pagod na blog.

Pagod na ako.

“Pagod na ako.” sabi ng Boss ko. Gusto kong sabihin sa kanya “Sir, ako din po.”

Bukod sa trabahong minsanan lang naman dumating sa akin pero pagdating ay bugso, mas maraming bagay ang nagpupumilit tumakbo sa utak ko.

PEBRERO NA. Ilang araw pa kaya ako kakabahan, masusuka, maghahabol ng hininga?



May problema ba tayo?

“May problema ba tayo?”
“Minsan pag-usapan natin.”

Ano kayang ibig sabihin nito? Meron ba o wala?




Huwag kang maginvest sa mga bagay na alam mong walang patutunguhan.

Gusto kong itanong, bakit hindi ba pwedeng “Happiness” lang and ROI (return of investment? Hindi ako ekonomista, baka pwedeng Doctrine of Equivalents na lang ang mag-apply.



Paranoid ako.

Oo nga, kung ano-ano ang iniisip mo. Baliw ka na yata eh.
posted by daye at 8:55:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home