DAYEdalera

Saturday, July 24, 2010

Mas Malala ka pa sa "Recycle Bin"

Hindi ako palakaibigan, pero pwede ko ipagyabang na marami ako nito.
Dahil siguro, madali naman ako lapitan, 24/7 kumbaga.

Lahat ng klase ng kaibigan meron din ako,
Kaibigan na parang kapamilya ko na.Nakikikain ako sa bahay nila, nakikitulog
at "Nanay" at "Tatay" ko din ang magulang nila.
Kaibigan na malayo man, alam ko isang palakpak ko lang nandiyan na para
i-rescue ako kung may trobol.
Kaibigan na maari ko isama sa kalokohan at hindi ako iiwan kung
mahuli man kami ng parak.

Sa lahat ng klase, ang pinakaayaw ko yung kategoryang
" Mas malala pa sa Recycle Bin"
Sila yung mga dating kaibigan, na may malaking kasalanan sa akin.
Mapagpatawad naman ako, pero hindi ako marunong lumimot.
Kapag foul. Foul yun habambuhay.
Kapag nasugatan ako, mabilis magpeklat at hindi na matatanggal.
Ayaw ko na kasi aksayahin ang oras ko sa mga huwad na kaibigan.

Mabuti pa ang files sa Recycle Bin, pwede i-restore...
IKAW HINDI NA.



****
Nagpapasalamat po ako sa mga taong nakabilang sa naunang 3 kategorya
ng kaibigan sa buhay ko.
posted by daye at 8:38:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home