DAYEdalera

Monday, May 31, 2010

I feel

...BETTER today. For your information.

Still not ready to talk about it, though.

I'm glad to have friends who understood even
before I sought their understanding
and friends who lingered on best and worst times.

Day 4 and If you ask me, I'm feeling better.

I hope you are too, my ex-friend.
posted by daye at 4:08:00 PM 2 comments

Thursday, May 27, 2010

Touch and Go

One friend recently told me "we can no longer hang out with each other" without further elaborating the cause. He simply wanted to dismiss me out of his life.

I never thought our special friendship could come to an end. He is practically my "comfort zone", he was never my best friend but with him I had the "best times".

"Touch and Go"

I am resolve I cannot change his mind. I cannot ask "whys" or say "what ifs", though I am not happy about his decision, I hope he will find his peace of mind.

"But never doubt
If you're out on a limb
I'll get the call
To break your fall
I'll never leave you
Even when life
Is touch and go
Or hit and run
We'll never break
If we take it as one
I'm here to stay,
I pray you know
I'll never touch
I'll never touch and go"
posted by daye at 2:58:00 PM 0 comments

Saturday, May 08, 2010

Ang pansamantalang paglisan sa atin ni Jezaline "Jeza" Clemente



Nakita kita Jeza kanina, hindi gaya ng dating punong-puno ng buhay.
Naiyak ako pero hindi nalungkot, alam kong mas payapa, masaya at
walang hirap sa kinaroroonan mo ngayon.

Kagabi, noong malaman kong pumanaw ka na,
alam kong kailan man hindi ko na madarama ang yakap mo,
ang lambing ng tinig mong tumatawag na "Ma'am Daye"
at ang pagsuyong natatanggap ko sa tuwing sinasabihan mo akong "you are my inspiration".

Maaring sumuko ang katawan mo sa laban ng mundong ito,
sa pakikibaka mo para sa edukasyon at tamang serbisyo sa estudyante
subalit hindi mapapasuko ng iyong kamatayan
ang libo-libong estudyanteng pinamanahan mo ng mga adbokasiya mo.

Tunay mang pinaligaya mo ako bilang iyong guro sa masipag mong pag-aaral,
higit na kaligayahan ang idinulot ng iyong pakikipagkaibigan
at iyong pagtupad sa hiling kong magkaroon ng nakababatang kapatid na babae.

Alam mong marami kang naulila, bukod sa iyong pamilya, kay "Nanay" at "Tom",
naulila mo ang iyong mga tunay na kaibigan na naging kasama mo sa iyong laban sa Kanser,
ang iyong mga kamag-aral na umaasa sa iyong pamumuno, ang KALIPI at KILOS!PUP,
at higit sa lahat ang pinangakuan mong magiging "Bridesmaid" ka sa kasal niya.

Umiiyak man ang aking puso, tigmak man ng luha ang aking mata,
masaya ako at wala ka ng mararamdamang tusok ng karayom
at depresyon sa unti-unting pagkalagas ng iyong magandang buhok...

Maraming nagmamahal sa iyo...

Hanggang sa muli nating pagkikita, pinakamamahal naming Jeza.
posted by daye at 4:54:00 PM 2 comments